DSWD FO1, NAGPAALALA HINGGIL SA MGA SCAMS NA GINAGAMIT ANG PANGALAN NG AHENSYA

Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO1) ang publiko ukol sa naglipanang mga scams na ginagamit ang pangalan ng ahensya.

Ito ang binigyang-diin ng pamunuan sa naganap na La Union Agkaysa: Talks and Thoughts from the Capitol.

Sa ilang mga ipinakalat na mensahe online, nanghihingi ang mga scammers ng pera, maging ang ilan umano ay nagnanais na makakuha ng personal na impormasyon.

Iginiit din ng tanggapan ang hindi dapat magpaniwala sa mga natatanggap na text messages, na sinasabing mabibigyan ng cash assistance sa pamamagitan ng pag click ng link. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments