Cauayan City, Isabela- Nakipagkasundo na ang DSWD Field Office 2 sa 3rd Congressional District Representative ng Cagayan para sa pamamahagi ng mga datos sa listahan ng mga pamilyang mahihirap sa probinsya.
Pinangunahan ni Representative Joseph L. Lara ng 3rd Congressional District ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang DSWD upang maibahagi rin ang database ng mga mahihirap na pamilya sa kanilang tanggapan.
Bahagi rin ng MOA ang paglilipat ng personal at socio-economic na datos mula sa database ng Listahan 2 patungo sa Office of the Congressman na gagamitin para sa mga programang panlipunan, pagpaplano at pagpapatupad.
Ang ‘Listahanan’ ay isang sistema ng pamamahala ng impormasyon na nagbibigay sa mga ahensya ng pamahalaan at sa iba pang mga ahensya tungkol sa kung sino at saan ang mga mahihirap sa Pilipinas.
Samantala, kasalukuyang nagsasagawa ng balidasyon at pinal na pagsasagawa ng ‘Listahan 3’ ang National Household Targeting Section para magkaroon ng updated o bagong listahan ng mga pamilyang mahihirap.