DSWD FO2, NAGSAGAWA NG DISASTER-RELIEF OPERATIONS

CAUAYAN CITY – Patuloy pa rin ang pamamahagi ng DSWD Field Office 2 sa mga relief goods para sa mga affected areas sa buong Rehiyon Dos dahil sa Bagyong Kristine.

Sa pinakahuling datos, nasa mahigit P3-M ang halaga ng mga family food packs (FFPs) at non-food items (NFIs) na maipamahagi.

Nasa 1,353 FFPs at 546 NFIs ang naidala sa Lalawigan ng Isabela, 1,065 FFP’s at 107 NFI’s sa Cagayan, at 324 FFPs at 57 NFIs naman sa Quirino.


Samantala, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng kanilang ahensya sa iba’t ibang lokal na pamahalaan upang masiguro ang agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

Facebook Comments