DSWD FO2, TUTULDUKAN ANG HUMAN TRAFFICKING SA REHIYON DOS

CAUAYAN CITY – Siniguro ng DSWD Field Office 2 na tutuldukan nila ang human trafficking sa buong Rehiyon Dos.

Nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay ang ahensya para sa mga social workers tungkol sa mga nararapat na gabay, protocols, at pamamaraan nang tamang pag-aasikaso sa mga biktima ng human trafficking na alinsunod sa Memorandum Circular No. 20 series of 2015.

Tinalakay sa pagsasanay ang RA 11862 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2002, RA 11930 o Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation to Children (OSAEC) at Online Sexual Abuse and Exploitation Materials (OSAEM).


Sa naging mensahe ni DSWD Regional Director Lucia Alan, hinikayat niya ang mga dumalo na maging tagapagtaguyod ng maayos at mapayapang rehiyon na ligtas sa anumang paglabag sa karapatang-pantao at human trafficking.

Facebook Comments