Iminungkahi ni House Ways and Means Chairman at Albay 2nd district Rep. Joey Sarte Salceda sa Department of Social Welfare and Development o DSWD at Department of Agriculture o DA na magkaroon ng tie-up.
Sabi ni Salceda, para ito sa implementasyon ng food stamp program ng DSWD at pagsisikap ng DA na mapalawak ang merkado para sa mga lokal na produktong agrikultural.
Tinukoy din ni Salceda na halos 30 percent ng ating mga magsasaka ang nananatiling mahirap.
Sabi ni Salceda kung magiging magkapartner ang DSWD at DA sa naturang programa ay makakatulong ito ng malaki para madagdagan ang kita ng ating mga magsasaka.
Binanggit ni Salceda na ang Food stamps na ipinapatupad sa ibang bansa ay kabilang sa agricultural programs na epektibong nakakatugon sa kahirapan sa bawat komunidad.