
Puspusan ang paghahanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office – Bicol Region sa posibleng epekto ng Bagyong Uwan sa Camarines Sure.
Agad na kumilos ang ahensya sa tulong ng Quick Response Team (QRT) ng Social Welfare and Development (SWAD) ng nabanggit na probinsya para tulungan ang mga lokal na pamahalaan sa lugar.
Kung saan nagbigay ng augmentation support ang QRTsa mga bayan ng Baao, Canaman, Pili, Gainza, San Jose, at Siruma.
Parte ito ng isinasagawang pre-emptive at forced evacuation sa mga residente na nakatira sa mababang lugar o madalas bahain.
Kaugnay nito ay tuloy pa rin ang monitoring at assessment ng mga tauhan ng DSWD sa mga evacuation centers upang matiyak na sapat ang espasyo at nasa maayos na kondisyon ang mga pamilyang lumikas.









