DSWD, handang ayudahan ang mga jeepney driver na maaapektuhan ng PUV Modernization

 

Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tulungan ang mga jeepney driver na maapektuhan ng deadline ng franchise consolidation sa ilalim ng public utility vehicle (PUV) Modernization Program.

Ang PUVMP ay may layuning palitan ang mga lumang PUV, kabilang ang mga jeepney ng mga modernong sasakyan simula sa January 2024.

Ayon kay DSWD Program Management Bureau (PMB) Director Miramel Laxa, ang mga driver na mahaharap sa krisis pagsapit ng full implementation ng programa ay awtomatikong pasok o kuwalipakado sa mga programa at serbisyo ng ahensya.


Ani Laxa, pasok ang mga affected PUV drivers sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Dagdag ni Director Laxa, panahon na para mapalawak ang programa para gawing sustainable ang mga service at programs sa harap ng posibleng mataas na bilang ng mga jeepney driver na mawawalan ng hanapbuhay.

Ikinokonsidera ngayon ng DSWD na mairekomenda ang mga maapektuhan na hanapan ng livelihood programs at mga grants na maiaalok ng ibang government agencies.

Facebook Comments