
Handang magbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Negros kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon kagabi.
Sa kanilang opisyal na pahayag, sinabi ng DSWD na handa silang tumugon sa unang pangangailangan na idudulot ng nasabing pag-aalburuto ng bulkan.
Dagdag pa ng ahensya, makakaasa ang mga residente ng nasabing lugar na mabibigyan sila ng maagap at makalingang serbisyo.
Tiniyak din ng ahensya na sapat ang mga suplay na naka-preposition sa kanilang mga warehouse para sa agarang pangangailangan.
Kaugnay nito, base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ilang barangay sa Negros Occidental at Negros Oriental ang naiulat na naapektuhan ng ashfall mula sa Bulkang Kanlaon.









