DSWD, handang makipagdayalogo ukol sa mungkahing isama ang COVID-19 vaccination sa mga kondisyon ng 4Ps

Handa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makipag-usap sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ukol sa mungkahing gawing kondisyon ang pagpapabakuna bago sila makakuha ng ayuda.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na suportado nila ang gobyerno sa pagsusulong ng pagbabakuna.

Katunayan, nagsasagawa na rin ang ahensya ng information drive para maipaunawa sa mga 4Ps beneficiaries ang kahalagahan na maturukan sila ng COVID-19 vaccine.


Ang 4Ps beneficiaries ay kabilang sa A5 Priority Group ng immunization program ng gobyerno.

Facebook Comments