DSWD, handang tulungan ang mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill sa Limay, Bataan

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na mayroong nakahandang programa at serbisyo ang ahensya para sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill sa Limay, Bataan.

Ayon kay Program Management Bureau Asst. Director Edwin Morata na lahat ng mangingisda at pamilya nito na naapektuhan ng pagtagas ng langis sa karagatan sa Limay, Bataan ay maaaring makapag-avail ng tulong mula sa Ayuda sa Kapos ang Kita o AKAP Program base pa rin sa inisyal na assessment at validation ng mga social workers.

Paliwanag pa ni Asst. Director Morata na ang AKAP Program ay nakadisenyo upang alalayan ang mga kababayan nating minimum wage earners at mapigilan na masadlak pa sa kahirapan.


Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bumuo ng isang Inter-Agency Task Force upang mabilis na mabigyan ng tulong ang mga naapektuhan ng oil spill matapos na aksidenteng lumubog ang MT Terranova, pag-aari ng Shogun Ships Company Inc. sa karagatan sa Limay, Bataan noong nakaraang July 25.

Facebook Comments