Manila, Philippines – Handang tumugon 24 oras ang Department of Social Welfare and Development para sa mga residente na apektado sa tensyon sa Marawi City.
Ito ay matapos ma-lockdown ng mga terroristang grupo ang nasabing lugar habang nagdeklara na rin ng batas militar si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, prioridad nila ngayon ang pagtulong sa mga apektadong pamilya at masiguro ang kaligtasan ng mga ito.
Samantala, 63 milyong piso na halaga ng food packs ang ipamimigay sa mga residente habang mayroong 128 milyong piso na halaga naman para sa mga pangunahing gamit.
Tapos na rin ang pagpupulong ng mga tauhan ng DSWD sa pangunguna ni Secretary Taguiwalo, at ayon sa kanila kahit papaano napag-aralan na nila ang situation nang sa ganoon maging epektibo ang pagpapadala ng tulong.
Maselan ang sitwasyon ngayon sa Marawi City kung saan, itinaas na ang Iligan sa red alert status at gayun din ang lalawigan ng Cotabato.
DZXL558