DSWD: Higit 70% ng target beneficiaries ng SAP sa Metro Manila, natanggap na ang unang tranche ng emergency subsidy

Umabot na sa 73.47% ng 1,558,615 low-income households sa Metro Manila ang nakatanggap na ng unang tranche ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), higit 1.14 million low-income at non-Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang natanggap ang unang bahagi ng cash aid.

Ayon kay DSWD-NCR Director Vicente Gregorio Tomas, aabot na sa ₱9.16 billion na halaga ng cash subsidy ang naipamahagi.


Mula sa 17 Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila, tanging Caloocan City pa lamang ang nakakakumpleto ng SAP distribution.

Facebook Comments