Manila, Philippines – Hindi na kakayanin pa ng Department of Social Welfare nd Development na magkaloob ng Psycho Social intervention sa mga sundalo sa Marawi na mayroong post-traumatic stress disorder.
Ayon kay Asec. Hope Hervilla, mangangailangan na ng mas mataas na antas ng expertise ang pag asikaso sa mga war shocked soldiers.
Masyado na aniyang kumplikado ang kaso ng mga sundalo dahil sila ay mga combatants o direktang nakikipaglaban sa mga armado na aaway ng kapayapaan.
Ang expertise ng Social Welfare Officer ay para lamang sa mga internally displaced workers.
Mas mainam na ang Department of Health ang humawak sa kaso ng mga sundalo dahil may mga tauhan sila na mayroon talagang kakayahan na hawakan ang kaso ng mga sundalo na may post war disorder.