DSWD, hinihimok ang publiko, lalo na ang mga kababaihan, na magsumbong kontra pang-aabuso

Hinimok ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang publiko, partikular na ang mga kababaihan at mga bata, na magsumbong sa mga awtoridad kontra pang-aabuso.

Ayon kay Director Aiza Riz Perez-Mendoza ng Office of the Undersecretary na marami pa ring hindi mga naire-report na pang-aabuso kaya’t kanilang sinusubukan na tibagin ang kultura ng pananahimik ng mga biktima.

Dagdag pa ni Director Mendoza na ang mga kababaihan at mga bata na biktima ng karahasan ay maaring dumulog sa kanilang ahensya kung saan ay kanila itong ire-refer na bigyan sila ng serbisyong legal.


Ayon naman kay Social Welfare Officer ng Program Management Bureau Carol Nuyda na ang ahensya ay nagbibigay rin ng counselling services sa mga perpetrator upang maiwasan ang paggamit ng karahasan.

Sa huli, nanawagan si Director Mendoza na humingi ng tulong dahil ang lahat ay may responsibilidad na tulungan ang kapwa, lalo na ang biktima ng VAWC.

Facebook Comments