DSWD, hinihintay ang guidelines para maisama ang 4Ps Beneficiaries sa COVID-19 vaccine priority list

Hinihintay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang guidelines para maisama ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa mga ipaprayoridad ng pamahalaan na makatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, naghahanda pa lamang ang ahensya sakaling ilabas na ang guidelines para rito.

Bukod dito, hinihintay din nila ang clearance mula sa mga kaukulang ahensya para sa paggamit ng COVID-19 vaccine.


Umapela rin si Paje sa mga benepisyaryo na hintayin ang magiging anunsyo sa pamamagitan ng official social media platforms.

Mula noong Enero 31, 2020, nasa higit 4.2 million ang aktibong 4Ps beneficiaries sa bansa.

Facebook Comments