Umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa organizers ng mga relief distribution drives na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, layon nito na maisaayos ang pamamahala ng aktibidad at masiguro na mabibigyan ng tulong ang mga bulnerableng sektor gaya ng mga matatanda at may kapansanan.
Kasabay nito, pinaalalahanan ng DSWD ang senior citizens at mga Persons with Disabilities (PWDs) na huwag nang lumabas ng bahay at makipila sa pagkuha ng ayuda.
Aniya, hindi lahat ng Local Government Units (LGUs) ay may kakayahang magbahay-bahay para maghatid ng tulong kung kaya’t magpadala na lang ang mga ito ng representative na may maayos na kalusugan.
Magdala lang aniya ng ID, ang senior citizen’s ID, at ang authorization letter na pirmado ng elderly-beneficiary.