DSWD, hinikayat ang publiko na ipagbigay alam ang mga kaso ng child abuse sa MAKABATA Helpline 1383

Nanawagan sa publiko ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at attached agency nitong Council for the Welfare of Children (CWC) na i-report ang mga kaso ng Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) sa MAKABATA Helpline 1383.

Ayon kwy CWC Executive Director Undersecretary Angelo Tapales, kahit kamag-anak o magulang ang lumabag sa karapatan ng isang bata ay kailangan silang isumbong.

Ito ay sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa mga ibang kamag-anak sa barangay at sa local government unit.

Ayon sa CWC executive director, base sa International Justice Mission’s (IJM) Scale of Harm Full Report noong 2023, isa sa bawat 100 na kabataang Pinoy o tinatayang 471,416 minors sa bansa ay biktima ng sexual abuse o exploitation materials.

Sa report naman ng End Child Prostitution and Trafficking (ECPAT) International, International Criminal Police Organization (INTERPOL) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) noong 2022 nasa 20% ng internet users na may edad 12 hanggang 17 years old ay mga biktima ng Online Sexual Abuse or Exploitation of Children.

Facebook Comments