Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiaries na huwag magpadala sa mga nagpapautang at isanla ang kanilang mga cash cards.
Napansin kasi ng DSWD, na sa kanilang mga spot check tuwing may family development sessions ay hindi dala ng mga 4Ps beneficiaries ang kanilang ATM.
Ayon kay 4Ps program manager, Director Gemma Gabuya, maaaring mapatalsik sa listahan ang mga 4Ps beneficiary kung mapapatunayan na ginagamit nila sa hindi maayos na paraan ang kanila g-cash card tulad ng pagsasangla dito.
Ani Gabuya, hangga’t maaari ay dapat maging huwarang modelo ang mga miyembro ng programa at sumunod sa mga patakaran.
Sa kasalukuyan ayon kay Director Gabuya, nagbigay na sila ng rekomendasyon para maamyendahan ang Republic Act No. 11310 o ang 4Ps Law at isama sa probisyon nito na ma-penalize ang mga nagpapautang at nagsasanla ng kanilang cash cards.