DSWD, hinimok ang mga benepisyaryo ng kanilang mga programa na makibahagi sa National Vaccination Day

Hinimok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisaryo ng kanilang mga programa na samantalahin ang 3-day vaccination drive.

Ayon kay DSWD Spokesperson Glenda Relova, target ng simultaneous vaccination drive ang mga indigent sector at kanilang mga anak na edad 12 hanggang 16 anyos.

Partikular na hinihimok sa aktibidad ay ang mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ang kanilang 4Ps school-aged na mga anak.


Sa ilalim ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ pinagsama-sama ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno at mga Local Government Unit’s (LGU) para mabakunahan ang nasa 15 million na Pilipino sa buong bansa simula November 29, hanggang December 1.

Nakipagtulungan ngayon ang 4Ps-National Program Management Office at ang Department of Health sa pagsasagawa ng mga Round Table Discussions sa 4Ps beneficiaries at parent leaders para para paliwanagin ang mga ito sa kapakinabangan ng pagbabakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments