DSWD, iginiit na hindi ginagamit ang AICS program para sa People’s Initiative

Sinagot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang alegasyon ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na ginagamit ang ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa isinasagawang signature campaign sa naturang lalawigan para sa people’s initiative na layong amyemdahan ang konstitusyon.

Ayon kay Asst. Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, mahigpit na ipinatutupad ang mga patakaran sa mga programa ng ahensya upang ito ay hindi magamit sa katiwalian.

Tiniyak naman ng opisyal na patuloy na magseserbisyo ang social and development worker ng DSWD at mananatiling patas sa pamamahagi ng mga ayuda alinsunod sa umiiral na mga alitutntunin ng mga programa ng ahensya.


Matatandaan na nitong Martes nagsagawa ng inquiry ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs upang imbestigahan ang alegasyon ng umanoy pilferage by unscrupulous individuals ng cash aid sa lalawigan ng Davao de Oro at Davao del Norte.

Facebook Comments