DSWD, iginiit na panlaban sa kahirapan ng mga pinoy ang 4Ps

Nanindigan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na malaking tulong sa pagpapababa ng poverty incidence sa bansa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

SInabi ni DSWD 4Ps program Director Gemma Gabuya, walang dahilan para buwagin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program dahil ang 4Ps ay isang national poverty reduction strategy.

Malaking tulong ang pondong nailalaan dito para sa pagsisimula ng negosyo ng mga benepisyaryo.

Una nang iminungkahi ni dating DSWD Secretary at ngayo’y Senador Erwin Tulfo na maaaring palitan ang 4Ps conditional cash transfer program ng lump sum livelihood fund dahil marami sa benepisyaryo ng 4Ps ay mas gusto ng puhunan sa negosyo sa halip na buwanang cash transfers.

Facebook Comments