Iginiit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang tulong para sa mga biktima ng lindol.
Sa harap ito ng daing ng mga biktima ng lindol na hindi nakakarating sa kanila ang mga relief goods kung kaya ilan sa kanila ang nagawa nang mamalimos.
Ayon kay Joel Espejo, DWSD Region 12 Director, posibleng may grupong nag-uudyok sa ulang residente para magreklamo.
Pinakiusapan naman ng DSWD ang mga biktima ng lindol na magpunta sa mga Evacuation Center para sa rasyon ng tulong.
Samantala nilinaw din ng NDRRMC na walang delay sa pamamahagi ng tulong.
Facebook Comments