DSWD, ikinukonsiderang isama sa mga janitor at security guard sa 4Ps

Pinag-aaralan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na isama na rin ang mga janitor, security guards, house helper at ibang may mababang sahod na maisama sa Pantawid Pamilyang Pilipino o 4Ps.

Ito ang ipinahayag ni DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao.

Aniya, magiging bahagi ito sa mga enhancement na gagawin sa programa.

Tugon na rin ito sa hinaing ng mga naturang sektor na ‘di umano nasasakupan ng programa gayong bulnerableng sector din sila.

Ani Dumlao, bukas ang DSWD sa alinmang pagbabago o enhancements sa pantawid pamilya program , ongoing o patuloy pa rin ang diyalogo nila kay Senador Erwin Tulfo upang mapag- usapan ang mga isinusulong nitong pagbabago sa programa.

Tuloy-tuloy rin ang pakikipag-ugnayan nila sa ibang ahensya ng pamahalaan upang makakuha ng ibang inputs.

Ani Dumlao, halos 17 taon na ring operational ang 4Ps kaya napapanahon na rin na makapagpatupad ng ilang enhancements.

Aniya, nakahanda silang makipagtulungan sa Senado sa sandaling magkaroon ng mga susunod na consultations.

Magugunita na isinusulong ni Senator Tulfo na livelihood o kabuhayan ang dapat ipagkaloob sa mga benepisasyo sa halip na ayuda.

Mula January hanggang July 2025 ay mayroon nang 700 households na nag graduate sa programa.

Ito’y mula sa 1.4-M na nag-graduate sa programa mula 2022 hanggang 2025.

Facebook Comments