Manila, Philippines – Nasa libong (1,003 ) mga street children ang dinala na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang activity center ng ahensya bago paman nagsimula ang preparasyon sa November ASEAN Summit.
Gayunman, ayon kay Jhie Mojica, planning officer ng Council for the Welfare of Children, hindi nangangahulugan na nais itinago ng ahensya ang mga street children.
Bahagi aniya ito ng tuloy-tuloy na pagrescue ng mga lokal na pamahalaan sa mga bata na nasa kalsada ng kanilang mga hangganan o boundary.
Sa katunayan, nagdagdag na sila ng activity center. Ngayon ay mayroon na silang 58 na tutugon sa pangangailangan ng mga street children.
Ayon pa kay Mojica, balak nilang makuha ang suporta ng mga LGU at MMDA upang matiyak na hindi bumabalik sa mga gilid ng kalsada ang mga bata.