DSWD, inihanda na sakaling kailangan ang relief operation sa mga biktima ng Magnitude 6 na lindol sa Masbate

Pinakikilos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang Social Welfare and Development Team o SWAD at Quick Response Team o QRT upang tugunan ang posibleng pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng Magnitude 6 na lindol sa Masbate.

Ayon sa DSWD, katuwang ng Masbate Provincial Disaster Risk Reduction Office ang SWAD at QRT sa isinagawang Rapid Assessment sa pinsala ng lindol.

Base sa ulat na inilabas ng DSWD Field Office 5, walang pamilyang inilikas dulot ng malakas na lindol kahapon ng madaling araw.


Inihahanda na rin ng DSWD ang mahigit 28-libong bilang ng Family Food packs at mahigit 51-libong Non -food items na handa para sa distribusyon anumang oras na kailanganin ang kanilang tulong.

Paliwanag ng DSWD, mayroon din limang milyong pisong standby funds ang ahensiya na nakahanda sa anumang kalamidad.

Facebook Comments