Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Joselito Bautista ang paghawi sa tabing ng panandang bato para sa itatayong halfway house ng mga dating rebelde sa Barangay Poblacion, Guipos, Zamboanga del Sur.
Ang proyekto na pinondohan sa ilalim ng “Task Force Balik-Loob” ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay naglalayong makapagtayo ng halfway house na magsisilbing temporary shelter ng mga dating rebelde.
Magsisilbi rin itong venue para sa developmental interventions sa mga rebelde na nagbalik loob sa gobyerno.
Isasailalim sa livelihood programs, education, at skills enhancement ang mga former rebels bilang paghahanda sa kanilang reintegration o pagbabalik sa kanilang komunidad.
Katuwang dito ang 53rd Infantry Battalion ng Philippine Army at ang Zamboanga del Sur Provincial Government.