
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development – Disaster Response Management Bureau (DSWD-DRMB) na maayos ang kalidad ng mga non-food items.
Ito’y kasunod nang pag inspeksyon sa mga nakaimbak sa warehouse nito sa Mabalacat, Pampanga.
Ayon sa DSWD, ang quality inspection ay upang masiguro na nakakatugon sa pamantayan ang mga nakaimbak na protection kits at non-food items.
Kailangan umanong tiyakin ng ahensya ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa disaster operations, lalo na’t nagpapakita ng pag-aalburuto ang Bulkang Mayon at Taal.
Tiningnan din ng DSWD kung sapat pa ang espasyo ng warehouse para sa mga paparating pang suplay ng pagkain at non-food items upang maimbak ng maayos.
Facebook Comments










