DSWD, inutusan ni PBBM na ituloy ang Pantawid Pamilya Pilipino Program

Utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Social Welfare and Development o DSWD na ituloy ang implementasyon ng 4Ps o ang Pantawid Pamilya Pilipino Program.

Ito ay upang makapagbigay ng ayuda sa mga mahihirap na Pilipino at mga Pilipino na matinding apektado nang mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Bukod dito, utos rin ng pangulo sa DSWD na pagandahin pa ang social pension program para sa mga indigent senior citizens upang makatulong sa kanilang araw-araw na panggastos at medical needs.


Sinabi pa ng pangulo na lahat ng ahensya ng gobyerno kasama ang DSWD ay tiyaking maayos na nakakapagbigay ng serbisyo sa publiko.

Hindi na dapat aniya bumiyahe pa sa urban areas para makakuha ng benepisyo mula sa gobyerno ang mga Pilipinong nasa mga malalayong probinsya.

Hinikayat naman ng pangulo ang DSWD na manatili ang commitment para matiyak na makakapagbigay ng kalidad na serbisyo sa mga Pilipino.

Naniniwala ang pangulo na sa dedikasyon at sipag ng mga DSWD maipagpapatuloy ang pag-angat ng buhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments