DSWD, ipagpapatuloy ang pamamahagi ng cash aid sa mga micro rice retailer

Ipagpapatuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng sustainable livelihood assistance sa ahat ng kuwalipikadong micro rice retailers na apektado ng price ceiling sa bigas.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sa lahat ng mga hindi nakakuha ng ayuda kahapon ay itutuloy nila ito sa mga susunod na araw.

Dagdag pa ng kalihim na hindi lang tulong pinansyal ang Ibinibigay ng Sustainable Livelihood Program.


Matatandaan na nasa 589 ang bilang ng micro rice retailers na bibigyan ng tulong pinansiyal ng DSWD.

Ang 405 dito ay mula sa Commonwealth Market, 136 sa Maypajo Public Market at 48 mula sa Agora Market sa San Juan City.

Samantala, nasa P8,844,000 ang naman pondo ang inilabas ng DSWD para sa lahat ng benepisyaryo sa Quezon City, Caloocan City at San Juan City.

Facebook Comments