DSWD, ipinaliwanag ang hindi nagastos na P83 bilyong pondo

Inilatag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga dahilan kung bakit nabigo silang i-disburse ang buong pondo nito.

Ito ay matapos kwestyunin ng mga senador ang P83 bilyon na unspent funds.

Sa statement ng DSWD, binanggit nila na kabilang sa mga dahilan ay ang banta ng COVID-19 pandemic.


Kasama rin ang mga ipinatutupad na panuntunan ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), mobility challenges, mga hadlang sa manpower o resources sa Local Government Units (LGUs) at iba pang government agencies.

Kabilang din sa dahilan ang Commission on Audit (COA) rules, commitment sa Memorandum of Agreement, counter-checking measures para matiyak ang transparency/accountability, pahirapan sa re-bidding, problema sa logistics at serye ng mga bagyo na siyang nakaapekto sa mga ipinapatupad na programa at serbisyo ng DSWD.

Kinumpirma rin ng ahensya na ang kabuoang pondo nila para sa fiscal year 2020 budget ay nasa ₱83.24 billion.

Tiniyak ng DSWD na sinisikap nilang magamit ang mga pondo kung saan ito nakalaan ngayong taon.

Facebook Comments