Nagpasya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipasuri sa Food and Drug Administration (FDA) ang samples ng umano’y expire na delatang tuna.
Ito ang inirekomenda ng fact-finding board matapos makipagpulong sa mga kinatawan ng dalawang suppliers ng Ocean’s Best Tuna, na kabilang sa mga food items sa Family Food Packs (FFPs) na ipinamamahagi ng ahensya.
Ayon sa DSWD, magsisilbing third party ang FDA para idetermina kung ang Ocean’s Best Tuna ay ligtas para kainin ng mga benepisaryo ng ahensya.
Nauna rito, lahat ng family food packs na may Ocean’s Best Tuna ay inireklamo ng mga residente ng Oriental Mindoro na apektado ng oil spill dahil sa mabahong amoy at kakaibang lasa na umanoy expired na.
Facebook Comments