DSWD, kinumpirmang may ilang namayapa na pero nakatanggap parin ng SAP

May mga patay na ngunit nagawa paring makatanggap ng Social Amelioration Program o SAP.

Sa Laging handa public press briefing sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na ilan lamang ito sa maraming reklamong nakararating sa kanilang tanggapan sa harap narin ng patuloy na pagbibigay ayuda ng pamahalaan sa mga nangangailangan nating kababayan ngayong may nararanasang krisis dahil sa COVID-19.

Ayon kay Bautista sa pamamagitan ng pamemeke ay nagagawa ng mga mapagsamantala na makubra ng SAP financial assistance mula sa pamahalaan.


Kaugnay nito nagbabala ang kalihim na posibleng maharap sa kaso ang mga nakatanggap ng ayuda sa pamamagitan ng ganong uri ng pandaraya maging ang mga Local Chief Executives.

Kaya paalala nito, isauli ang nakubrang pera lalo na ng mga hindi kwalipikadong mabigyan ng ayuda nang sa gayun ay maibigay ito sa mga lubos na nangangailangan

Facebook Comments