DSWD, kukumpletuhin ang emergency subsidy distribution ngayong Enero

Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kukumpletuhin ang distribusyon ng emergency subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 sa loob ng buwang ito.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, target nilang matapos ang payout sa mga mahihirap na pamilya mula sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown at sa mga additional beneficiaries o mga hindi nakatanggap ng Social Amelioration Program (SAP) subsidies sa katapusan ng buwan.

Hinihintay na lamang nila ang notice of cash allocation na ilalabas ng Department of Budget and Management (DBM) bago nila ipagpatuloy ang pamamahagi ng Bayanihan 2 subsidies.


Sa huling tala ng DSWD, aabot na sa ₱1.96 billion na halaga ng emergency subsidies ang naipamahagi sa ilalim ng Bayanihan 2 kung saan aabot sa higit 300,800 families ang nakinabang.

Facebook Comments