DSWD, kumpiyansang matatapos ng LGUs ang pamamahagi ng cash subsidy bago ang deadline nito bukas

Tiwala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na matatapos ng mga Local Government Unit (LGUs) ang cash aid distribution nito hanggang bukas, May 7.

Ayon kay DSWD Director Irene Dumlao, 72.3% o higit 13 milyon mula sa 18 milyong target beneficiaries na ang nakatanggap ng ayuda.

Mula sa 1,589 na LGUs, nasa 828 na ang nakatapos sa pamamahagi ng cash subsidy.


Nilinaw naman ni Dumlao na tanging ang mga LGU lang na nakatapos sa unang tranche ng ayuda ang mabibigyan ng sap funds para sa ikalawang bugso nito.

Inaasahang ilalabas ng ahensya ang second tranche ng SAP subsidy bago o sa mismong araw ng May 20.

Facebook Comments