Magbibigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong sa pamilya ni Michelle Silvetino, ang babaeng na-stranded sa habang naghihintay ng masasakyang bus pauwi sa kanilang probinsya sa Calabanga, Camarines Sur.
Si Silvertino ay natagpuang walang malay noong June 5 sa isang overpass sa Pasay City at idineklarang patay na sa ospital.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nagpapaabot sila ng pakikiramay sa pamilya ni Silvertino at tiniyak na agad na maibibigay ang ayuda sa kanila.
Nasa ₱15,400 ang halaga ng financial assistance na ibibigay sa ina ni Silvertino na si Marlyn.
Ang nanay ni Michelle ang kumupkop sa apat nilang anak na may edad 4 hanggang 11-taong gulang.
Magbibigay ang ahensya ng kabuhayan sa mga kapatid ni Michelle sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Mayroon ding educational assitance sa tatlo nitong anak na nasa elementarya pa lamang.
Bibigyan din ng 10-araw na food assistance ang pamilya ni Michelle.
Nalaman din ng DSWD na si Silvertino ay benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) at cash recipient ng Social Amelioration Program (SAP).