DSWD, maglalaan ng pondo para ipambili ng mga kagamitan na makakatulong sa mga Persons with Disability

Simula ngayong taon, maglalaan ng tig- P100 libong pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bawat field office kada taon para ipambili ng mga aparato na makakatulong sa mga Persons with Disability (PWD).

Ayon sa DSWD, ang sektor ng mga PWD ang lubhang naapektuhan ng community quarantine dulot ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Para makatulong sa kanila na makabawi at madevelop ang sarili at social enhancement, bibigyan sila ng augmentation support para magkaroon ng aparato.


Ilan sa mga device o aparato na kailangan ng mga PWD ang talking laptops at tablets, talking canes/smart canes, at braille system, hearing aids, customized headphones, motorized wheelchair, customized wheelchair, tri-wheelchair bike, talking watch, customized artificial eyes, neuro-prosthesis at iba pa.

Kailangan lamang nilang magpaabot ng request sa pamamagitan ng Focal Person on Persons with Disability Welfare Program at Assistance for Individuals in Crisis Situation sa Crisis Intervention Units ng DSWD field offices.

Facebook Comments