DSWD, magsasagawa ng clean-up drive sa Manila Bay kasabay ng selebrasyon ng kanilang 68th-anniversary

Manila, Philippines – Nagkasa ang mga empleyado ng Department of Social Welfare and Development ng clean-up activity sa Manila Bay sa Enero -23 araw ng Miyerkules.

Ito ay bilang pagpapakita ng ahensiya ng buong suporta sa pagsisikap ng gobyerno na maibalik sa dating ganda ang Manila Bay.

Ang clean-up drive ay kasabay na rin ng isang linggong selebrasyon ng 68th anniversary nito na may paksang diwa na “DSWD: Katuwang sa Pagbabago.”


Ayon kay Assistant Secretary Rhea Peñaflor, nais nilang ipakita na ang Manila Bay ay hindi isang malaking basurahan.

Gayundin, ang bawat isa ay maaring makapagbigay ng positibong ambag sa pagbabago sa lipunan.

Ayon pa kay Peñaflor, saksi ang DSWD sa iniiwang mga pinsala ng kalamidad na epekto ng hindi pangangalaga sa kapaligiran.

Magsilbi rin aniyang hamon na pangangalaga sa kalikasan ay bahagi dapat ng disaster preparedness ng lahat ng ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments