Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkakaroon ng community validation sa inisyal na listahan ng mahihirap na pamilya sa susunod na buwan.
Ayon sa DSWD, na-assess na nila ang higit 13.5 million households sa ilalim ng “Listahanan 3” o ikatlong bahagi ng assessment sa mga mahihirap na pamilya sa bansa o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).
Sa ilalim nito, matutukoy kung sinu-sino ang mga mahihirap at ina-update ito kada apat na taon.
Ang kagawaran ay maglalabas ng initial list ng poor households na ipapaskil sa mga komunidad para sa validation at finalization phase.
Sa ilalim ng nasabing phase, ang lahat ng ipapasok na impormasyon na nakalagay sa household assessment form (HAR) ay dadaan sa Proxy Means Test.
Ang initial list ng poor households ay ipapaskil sa bawat barangay para magbigay ng oportunidad sa publiko na i-review at itama ang kanilang household information.
Paglilinaw ng DSWD, ang mga mapapasama sa Listahanan 3 ay awtomatikong makatatanggap ng anumang cash assistance mula sa pamahalaan o mapapasama sa anumang programa.