
Magsasampa ng kasong kriminal ngayong umaga ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa mga lokal na opisyal ng Iloilo City.
Kasunod ito ng napaulat na anomalya sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa probinsya.
Nag-ugat ang pagsasampa ng reklamo matapos makatanggap ang ahensya ng impormasyon na ibinulsa umano ng ilang barangay officials ang cash assistance na nakalaan para sa AICS beneficiaries.
Dumating ngayong umaga ang mga tauhan ng DSWD dala ang ilang kahon ng dokumento na naglalaman ng impormasyon hinggil sa naturang anomalya.
Naroon din ngayong umaga ang ilang opisyal ng DSWD, kabilang si Assistant Secretary Irene Dumlao, habang inaasahang magtutungo sa Office of the Ombudsman mamaya si Secretary Rex Gatchalian.









