
Pormal nang naghain ng kasong Grave Misconduct, Graft at Abuse of Authority si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian laban sa 14 na barangay officials sa 16 barangay sa Iloilo City.
Kasunod ito ng napaulat na anomalya sa Asisstance to Individuals Situation sa probinsya.
Dala ang ilang mga kahon ng dokumento na naglalaman ng impormasyon at ebidensya hinggil sa nasabing anomalya.
Ayon kay Gatchalian, nag-ugat ang pagsasampa dahil sa kanilang natanggap na reklamo mula sa 14 complainants na benepisyaryo ng Asisstance to Individuals and Crisis Situation (AICS).
Ayon sa kanila, mula sa 10,000 pisong ayuda, kinakaltasan sila ng mga sangkot na opisyal ng nasa 8,000 hanggang 9,000 piso.
Dagdag pa ng kalihim na systemic ang nangyaring kaltasan kumpara sa ilang reklamong nakarating mula sa kanilang ahensya.
Walang inilabas na halaga ang kalihim sa kung magkano ang nakulimbat ng mga sangkot na opisyal.
Pero ayon sa kaniya na aabot sa humigit-kumulang 21.6 million pesos ang naipamigay ng DSWD sa lugar sa tatlong isinagawang roll-out ng payout noong November 7, 11, at 12.
Bukod kay Gatchalian, nagtungo rin sa Ombudsman ang ilang opisyal ng DSWD kabilang sina Asisstant Secretary Irene Dumlao at Asec. Paul Ledesma.
Dahil sa insidente, pansamantalang sinuspendi ang roll-out ng AICS sa Iloilo City ngunit magpapatuloy naman ito sa Enero susunod ng taon.









