Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magtatatag sila ng “grievance mechanism” para masigurong transparent at mabilis ang pamamahagi ng ₱23 billion na financial aid para sa 22.9 million beneficiaries sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang pagpapatupad ng one-time cash assistance ay babantayan ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Layunin ng grievance mechanism na magkaroon ng ‘check and balance’ sa pamamahagi ng ayuda.
Inatasan naman ni Pangulong Duterte ang DSWD na magsagawa ng counterchecking pagkatapos ipamahagi ang ayuda.
Ang DILG ay inatasan na ang lahat ng barangay captains na ipaskil ang masterlist ng target na benepisyaryo sa mga pampublikong lugar.
Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1, ang DILG ang mag-iisyu ng mahigpit na guidelines sa LGUs para siruguring patas ang pagtukoy sa mga benepisyaryo ng ayuda.