DSWD: Mahigit 300,000 indibidwal, naapektuhan ng Shearline at Bagyong Kabayan

Inanunsyo ngayon ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na umakyat na sa 304,097 ang indibidwal na naapektuhan ng Shearline at Bagyong Kabayan.

Base sa talaan ng DSWD, umaabot na sa 99,113 na pamilya ang naapektuhan mula ss Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region at Caraga Region.

Kasunod nito, bumaba na sa 743 pamilya o katumbas ng 2,674 na indibidwal ang namamalagi sa 426 na mga evacuation center.


Paliwanag pa ng DSWD na nasa tatlong pamilya o katumbas ng walong indibidwal ang pansamantalang tumutuloy sa kanilang mga kaanak kung saan 136 na ang bahay na nawasak mula sa epekto ng Shearline at Bagyong Kabayan habang 1,550 naman ang bahagyang nasira.

Facebook Comments