DSWD: Mahihirap na pamilyang wala sa listahan ng mga benepisyaryo ng SAP, pwedeng umapela

Pwedeng umapela ang mga pamilyang hindi napasama sa listahan para sa Socal Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

]Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, maaaring lumapit sa local social workers ang mga pamilyang wala sa listahan pero sa tingin nila ay “eligible families” sila at nararapat tumanggap ng cash assistance.

Ipaparating ng mga social workers sa DSWD ang apela saka pag-aaralan kung dapat itong aprubahan.


Samantala, sasaluhin ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang pagbibigay ng ayuda sa 150,000 pamilyang hindi napasama sa listahan ng mga benepisyaryo ng SAP.

Ayon kay Mayor Vico Sotto, nakahanap sila ng higit isang bilyong piso pondo para rito.

Sa kanilang pagtaya, kada pamilya ay maaari ring tumanggap ng halos ₱8,000.

Una nang iminungkahi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa mga Local Government Units (LGUs) na abonohan muna ang pagbibigay ng ayuda sa mga nasasakupang manggagawa ng informal sector habang hindi pa nakakatanggap ng tulong pinansyal mula sa gobyerno.

Facebook Comments