Mahigpit ang koordinasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Land Bank of the Philippines para sa pag-iisyu ng cash cards para sa mga benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer (UCT) at Social Pension para sa mga indigent senior citizens.
Layunin nitong matiyak na maihahatid ang benepisyo sa harap ng COVID-19 pandemic.
Humingi ng paumanhin si DSWD Spokesperson Irene Dumlao sa naantalang payout ng UCT sa mga senior citizens dahil kailangan nilang i-validate muna ang masterlist ng mga benepisyaryo.
Idinagdag pa ni Dumlao, ang pamamahagi ng benepisyo ay nakamandato sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ang mga benepisyaryo ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang local social welfare and development offices o DSWD Field Office para sa validation bago kunin ang grant.
Umapela rin si Dumlao sa publiko ng pang-unawa sa mabagal na paglalabas ng social pension para sa mga senior citizen.
Ang mga indigent senior citizens ay kailangang maghintay para sa payout schedule.
Para sa 2021, ang DSWD ay target ipamahagi ang social pension sa 3,789,874 indigent senior citizens.