Nakalatag na ang Interventions ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa mga pamilyang tatamaan ng epekto ng El Niño.
Tiniyak ni DSWD Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Diana Rose Cajipe na may nakapreposisyon nang Family Food Packs o FFPs at Non-Food items sa mga regional office ng ahensya na nakahanda nang ipadala sa mga maapektuhang lokalidad.
Nakahanda rin aniya ang ahensya sa anumang request mula sa Local Government Unit (LGU) para sa Financial Assistance.
Bukod dito, ipinunto rin ni Asec. Romel Lopez na nakikipagtulungan na ang DSWD sa Department of Agriculture o DA at United Nations – World Food Programme (UN-WFP) para sa implementasyon ng Project LAWA o Local Adaptation to Water Access na layong matugunan rin ang impact ng tagtuyot sa pamamagitan ng pagtatayo ng Small Farm Reservoirs o SFRs sa mga lalawigan ng Ifugao, Antique at Compostela sa Davao De Oro.
Paliwanag ni Lopez na sa ilalim nito, makakatanggap ang mga residente ng Financial Support sa pamamagitan ng
Cash-For-Work o CFW at Cash-For-Training o CFT, kapalit ang pagtulong sa kontruksyon ng alternative water resources.