DSWD, may P496-M na standby funds at available stockpiles para sa mga maapketuhan ng bagyong Auring

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na inihahanda na nito ang mga ayuda para sa relief augmentation response para sa mga lokal na pamahalaan na maapektuhan ng bagyong Auring.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, may sapat na disaster funds at relief supplies sakaling kailanganin ng mga maapektuhang Local Government Units (LGUs).

Mayroon aniyang P496 million na standby funds at available stockpiles na nagkakahalaga ng mahigit P600 million para sa relief operations.


Batay sa tala ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nakahanda na ang P194 million para sa 300,000 na family food packs.

Maliban pa ito sa nakalaang P409 million para naman sa mga non-food items.

Nakalagay ngayon sa red alert status ang lahat ng disaster teams ng DSWD field offices sa mga daraanan ng bagyo.

Mahigpit na nakikipag-coordinate ang mga ito sa LGUs para alamin ang kanilang pangangailangan.

Facebook Comments