DSWD, may ugnayan na sa ibang ahensiya ng pamahalaan para mapabilis ang relief operations

Nakipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Office of Civil Defense (OCD) para sa  mas mabilis na relief operations  sa  Matanao at Padada Davao del Sur.

Kaugnay ito sa nangyaring malakas na magnitude 6.9 na lindol na tumama kahapon.

Sa ngayon nasa P1.089 million na ng mga family food packs at laminated sacks ang naipamahagi ng DSWD sa mga affected families.


Base sa datus ng DSWD Region 11, as of 6 PM kagabi may 15 indibidwal kabilang ang isang staff ng DSWD ang injured sa Magsaysay, 7 sa Matanao at 24 sa Padada habang isa ang nasawi sa Matanao, Davao del Sur.

Nagtayo na rin ng mga family tents sa munisipalidad ng Padada na magsisilbing  temporary municipal office at operations center sa area.

Binuhay naman ng DSWD sa Region 12 ang kanilang incident command post sa ground at pinag-iingat ang mga residente sa lugar.

Pasado alas dos kahapon ng hapon ng yanigin ng malakas na lindol ang Matanao Davao del Sur na naramdaman sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.

Facebook Comments