Mariing iniutos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa Disaster Response Management Group (DRMG) at DSWD Field Offices ang mabilisang pamamahagi ng family food packs (FFPs) at iba pang relief items sa mga nasalanta ng Bagyong Carina.
Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na agarang magbigay ng tulong sa mga apektadong pamilya dulot ng bagyo at habagat.
Ayon kay Special Assistant to the Secretary (SAS) for Disaster Response and Management Group (DRMG) at Concurrent Officer-in-Charge (OIC) ng National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) Leo Quintilla, may P1 million na halaga ng FFPs at total standby funds and stockpiles funds na P2.6 billion ang DSWD.
Bukod dito, ang ahensya ay mayroong mahigit sa P1.2 billion na halaga ng mga pagkain at non-food items (FNIs).
Sabi pa ni SAS Quintilla, ang nasabing stockpiles ay nakalagak sa disaster response centers, regional offices, at warehouses.
Kabilang na ang mga nasa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs).
Ang mga FFPs at iba pang relief items ay pawang naka-preposition na bago pa man pumasok sa bansa ang Bagyong Carina.
Base sa pinakahuling report ng DSWD-Disaster Response Operations Management, Information Center (DROMIC), may kabuuang 45,328 families o katumbas ng 91,062 indibidwal sa 225 barangays sa National Capital Region (NCR), Regions 1 (Ilocos), 2 (Cagayan Valley), 3 (Central Luzon), CALABARZON, MIMAROPA, 5 (Bicol), 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), at Cordillera Administrative Region (CAR) ang apektado ng masamang panahon.
Halos 1,702 families o 6,524 katao naman ang kasalukuyang nanunuluyan sa 126 evacuation centers sa NCR, Regions 1, 2, 3, 6, 7, at CALABARZON at MIMAROPA.