DSWD, muling bumalik sa Tondo, Maynila para sa food stamp program

Muling binalikan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Tondo, Maynila para sa pagpapatuloy ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP).

Ito’y para i-replenish ang benefit transfer cards (EBT) ng 50 benepisyaryo na nasa P3,000.00 ang halaga.

Nabatid na ito na ang ikatlong buwan mula ng simulan ng DSWD ang nasabing program base na rin sa plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Ang program ay magtutuloy-tuloy hanggang buwan ng Disyembre at pagkatapos nito ay magkakaroon ng assesment ang DSWD sa mga napiling benepisyaryo.

Ikinatuwa naman ng mga benipisyaryo ang paglalagay rin ng mga pop-up store ng Kadiwa dahil direkta na silang makakabili ng mga sariwa at murang mga pagkain.

Paliwanag nila, malaking tulong ang ganitong uri ng programa sa tulad nilang hirap sa buhay kaya’t nagpapasalamat sila kay Pangulong Marcos.

Facebook Comments