Nakatakdang tumanggap ng financial assistance ang nasa higit 30 micro rice retailers sa Malabon City ngayong araw.
Ito na ang ikalawang batch ng pamamahagi ng P15,000 na ayuda mula sa pamahalaan sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development- National Capital Region (DSWD-NCR) at Department of Trade and Industry (DTI).
Nasa 35 micro rice retailers na sumunod sa ipinatupad na Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mabibigyan ng nasabing pinansiyal.
Gaganapin ang pagbibigay ng ayuda sa tanggapan ng Business Permint and Licenaing Office (BPLO) sa Malabon City Hall mamayang ala-1:00 ng hapon.
Matatandaan na sa unang batch, nasa higit 90 micro rice retailers ang nakakuha ng financial assistance kung saan patuloy sila sa pagbebenta ng P41.00 at P45.00 na kilo ng bigas bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Marcos Jr.